click

Date: 7/20/2009

Michael Jackson,KING OF POP. . .Gone To Soon.

Ngayon lang uli ako nakabisita dito,pa'no ba naman isa ako sa mga nadepress na fans ng King of Pop na walang iba kundi si Michael Jackson.Wala sigurong tao na hindi nakakaalam ng mga kanta nya.Ako lumaki ako na nakikikanta at nakikisayaw sa kanya.Pinangarap ko rin na maging kaboses ko sya nung bata pa.Siya ang pinakamagandang kumanta na bata noon,buong buo.Di gaya ng ibang bata na sumasali sa mga singing contest na pinipilit palakihin ang boses dahil sa tingin nila mas magandang pakinggan.Pero para sa 'kin di naman masyado,mas maganda pa rin ang natural.Idol ko si Michael Jackson ipinagmamalaki ko yan.Masasabi ko na masuwerte ako at naabutan ko ang kasikatan nya.At nanghihinayang at nalulungkot dahil sa mga nangyari nitong mga huling bahagi ng buhay nya.Pero isinasantabi ko kung ano man ang mga hindi magagandang yun.Mas pinahahalagahan ko kung ano ang mabubuti at magagandang nagawa nya di lamang sa musika kundi maging sa buong mundo.Kahit nakakalungkot na isipin na wala na siya,mananatili naman ang mga alaalang iniwan nya.Ang mga awitin na nagbigay inspirasyon sa atin.Ang mga sayaw na nagbigay saya.At ang pagmamahal nya sa kapwa.Sana yan din ang isipin ng mga taong hindi nakakaintindi sa kanya.Ako hindi pa rin ako magsasawa na makinig at sumayaw sa mga awitin nya.Bilang tagahanga laging kong pahahalagahan ang mga musikang iniwan nya.Thank you Michael Jackson.Thank you King of Pop.See you again. I LOVE YOU!

Blogs
Main